^

PSN Palaro

SBC kakalas sa NCAA?

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Inuulan ngayon ng pa­na­wagan ng mga kapana­lig ng San Beda na ituloy na ang planong lisanin ng koponan ang NCAA.

Dinadagsa ng mga ga­nitong komento ang isang social networking site ng San Beda matapos pata­wan ng mga suspensyon ang kasapi ng men’s bas­ket­ball team dahil sa riot na kinasangkutan nila laban sa San Sebastian women’s volleyball team.

Ang champion coach na si Frankie Lim ay pinata­wan ng dalawang taong suspensyon ng NCAA Ma­nagement Committee matapos itong makipagmu­rahan kay Lady Stags men­tor Roger Gorayeb na nauwi sa pambubugbog.

Maging si Gorayeb na naunang nakipagmurahan kay Lim ay binigyan din ng dalawang taong suspensyon.

“Get out of the NCAA and go to the UAAP! Let us see the downfall of the NCAA without SBC. The only credible there now is San Beda. Now if San Beda is out then NCAA is done!” isa sa mainit na komento ng panatiko ng Lions.

Kahit si Lim ay naniniwalang may malisya sa inilabas na desisyon.

“The sanctions are malicious and ridiculous. My impression is that they’re showing SBC the door,” wika ni Lim.

Tiniyak naman ni San Beda management committee Jose Mari Lacson na iaapela nila ang nasabing desisyon.

Bukod kay Lim, suspindido ng tig-isang laro ang mga basketbolistang sina Kyle Pascual, Jake Pascual, Jaypee Mendoza, Rome dela Rosa, Jose Car­melo Lim, Sundan Da­niel, Mar Villahermosa, Ba­ser Amer at Antonio Caram dahil sa pagpasok sa court at nakisama sa kaguluhan.

Ang nagre-residency na Nigerian center na si Olaide Adeogun at Julius Armon ay hindi rin pi­na­hi­hintulutan na makapa­nood ng laro sa 88th season dahil ang mga ito ay ikinokonsi­dera bilang supporters ng paaralan dahil hindi pa opisyal na kasapi ng Lions.

Si Ed Cordero na assistant coach ni Lim ay sus­pendido rin ng isang laro habang ang mga graduate na sa team na sina Dave Marcelo at Garvo Lanete ay binigyan din ng tatlo at isang larong suspensyon dahil sa pagsali sa kagulu­han.

Kahit ang San Sebastian ay hindi masaya sa desisyon ay naghahanda rin ng kanilang liham ng pag-apela lalo pa’t si Gora­yeb ang nabugbog sa pangyayari.

ANTONIO CARAM

DAVE MARCELO

FRANKIE LIM

GARVO LANETE

JAKE PASCUAL

JAYPEE MENDOZA

JOSE CAR

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->