^

PSN Palaro

Guarte ibinangon ang respeto

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Humataw agad ang 26th SEA Games double sil­ver medalist Mervin Guar­te nang angkinin uli ang ginto sa 3,000m steeple chase sa pagbubukas ng 87th NCAA track and field kahapon sa Philsports Complex sa Pasig City.

Kinatawan ang San Se­bastian, binawi ni Guar­te ang kabiguang inabot sa kamay ni Roldan Vera ng Jose Rizal University noong nakaraang taon nang iwanan niya ng milya-milya ang katunggali.

“Gusto ko talagang bumawi dahil ang pagkatalo ko sa kanya last year ay naging dahilan kung bakit hindi ako nanalo ng MVP,” wika ni Guarte na naora­san ng 9:40.38 laban sa 9:58.80 ni Verano.

Nagwagi ng pilak sa Pa­lembang, Indonesia sa larangan ng1,500m at 800m distansya, si Guarte ay magbabalak na makapagdomina pa sa 800m, 1,500m, 5000m at sa 4x400m relay events para mabawi ang MVP title na hinawakan niya dalawang taon na ang nakalipas.

Nakitaan din ng ga­ling si Ray Mark Castillo ng University of Perpetual Help System Dalta nang kunin niya ang ginto sa 110m hurdles habang ang junior tracksters ng Arellano University na si Aldrin Gonzales ang nanguna sa event na nabanggit sa high school division.

Pinangunahan naman ni league president Anthony Tamayo ng host Perpetual ang pagbubukas ng tatlong araw na tagisan sa athletics na kung saan ang PBA player at dating basketbolista ng Letran na si Willie Miller ang tuma­yo bilang panauhing panda­ngal.

Nakasama ni Tamayo sina Letran rector president Fr. Tamerlane Lana, OP, at Fr. Vic Calvo, OP, Peter Cayco ng Arellano,Dr.Ramon Cercado ng Perpe­tual, Frank Gusi ng San Se­bastian,Jose Mari Lacson ng San Beda, Paul Su­pan ng Jose Rizal Uni­versity,Hector Callanta ng Lyceum at Ding Lozano ng Mapua.

Ang ikalawang araw ng tagisan ay lilipat ngayon sa Rizal Memorial Track and Field Oval habang ang ikatlo at huling araw ay gagawin sa Huwebes sa nasabi ring palaruan.

ALDRIN GONZALES

ANTHONY TAMAYO

ARELLANO UNIVERSITY

DING LOZANO

FRANK GUSI

GUARTE

HECTOR CALLANTA

JOSE MARI LACSON

SAN SE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with