Bradley kakasahan nang husto si Pacman

MANILA, Philippines - Hindi magiging palabas kundi ay makakaasa ang mga mahihilig sa boxing na lalaban nang husto si Timothy Bradley kapag nagkrus sa ring ang kanilang landas ni Manny Pacquiao sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas.

“I tough gloves in the center of the ring when the fight begins, I don’t tough gloves during the bout,” wika ni Bradley.

“I’m here to win, not coming here for paycheck,” dag­dag pa nito.

Tumatanginting na $5 milyon ang guaranteed purse ni Bradley nang pumayag na umakyat mula sa light welterweight para harapin ang kasalukuyang pound for pound king na si Pacman na itataya ang hawak na WBO welterweight title.

Sa laki ng kikitain ay maaari nang magkunwari si Bradley na lalaban ng todo ngunit ang totoo ay iiwasan niyang masaktan sa laban tulad ng ginawa nina Joshua Clottey at Shane Mosley na ikinadismaya ng mga fans.

“I want to win this fight, for my family, for my community. I want to upset this guy. I feel like I have the tools and everything to beat Pacquiao,” walang takot pang pahayag ng 28-anyos na challenger.

May katuwiran naman kung bakit tiwala si Bradley sa kanyang kakayahan na talunin ang Pambansang kamao dahil hindi pa siya nakakatikim ng kabiguan matapos ang 29 laban.

Sinisilip ng ilan ang 12 knockout wins lamang sa karta ni Bradley pero isinasantabi ito ng tubong Cathedral City, California sa pangangatuwirang hindi pa nakakatapat si Pacman ng isang boksingero na bata at may ganitong karta.

Masinsinan ang gagawin niyang pagsasanay dahil sa kanyang palagay ay dapat niyang saktan si Pacquiao para matalo at makuha ang respeto ng tinitingalang boksingero sa mundo sa kapanahunang ito.

“I’m going to hurt him. Absolutely, I have to hurt this guy and get respect from Pacquiao early. At the end of the night. I feel like I’m going to be victorious,” may tiwalang pahayag ni Bradley.

Show comments