Thunder hiniya ang Celtics
OKLAHOMA CITY--Nagtala ang Oklahoma City Thunder ng 11 straight home wins mula sa kanilang 119-104 tagumpay laban sa Boston Celtics upang banderahan ang NBA Western Conference.
Umiskor si Russell Westbrook ng 31 points kasunod ang 28 ni Kevin Durant para sa Oklahoma City, naglista ng isang 27-point lead bago nakalapit ang Boston sa anim na puntos sa huling 3:31 ng fourth quarter.
Nagsalpak si Durant ng dalawang sunod na jump shots at dalawang freethrows sa isang 11-2 run ng Thunder upang tuluyan nang igupo ang Celtics.
Hindi rin nakatulong ang pagbabalik ni Kevin Garnett mula sa isang two-game absence para sa Celtics, naglaro na wala si point guard Rajon Rondo na nagsisilbi ng kanyang two-game suspension.
Umiskor si Paul Pierce at Garnett ng tig-23 points para sa Boston.
Sa Chicago, tinalo ng Bulls ang Milwaukee Bucks, 110-91, sa pang pitong sunod na pagkakataon.
Nagposte si Carlos Boozer ng 20 points, habang humakot si Joakim Noah ng 13 points, 13 rebounds at 10 assists para sa unang triple-double ng isang Chicago center matapos si Artis Gilmore noong 1977.
Sa Houston, naglista si Luis Scola ng 19 points at 10 rebounds para sa 93-87 panalo ng Houston Rockets laban sa Philadelphia 76ers.
Nagdagdag si Kyle Lowry ng 13 points at dalawang krusyal na 3-pointers para sa Rockets.
Sa iba pang laro, pinataob ng New York Knicks ang Atlanta Hawks, 99-82; giniba ng Orlando Magic ang New Jersey Nets, 108-91at diniskaril ng Minessota Timberwolves ang Utah Jazz sa iskor na 100-98.
- Latest
- Trending