^

PSN Palaro

Tig-5 gold kina Taynan, Calleja

-

MANILA, Philippines - Umani ng tig-limang gin­to sina Jenny Ann Calleja at Christine Faith Taynan ng Bulacan sa larangan ng gymnastics habang apat na ginto ang kinuha ni Jean Karla Bondoc ng Pampanga upang magsimula ng dumagsa ang mga multiple gold medal winners kahapon sa idinadaos na 2012 Central Lu­zon Regional Athletic Association (CLRAA) sa Iba, Zambales.

Si Calleja ay nagdo­mina sa secondary girls Women Artistic Gymnastics individual all around (35.00), vault (12.10), ba­lance beam (11.35), floor exercise (11.55) at team habang si Taynan na kala­hok sa Rhythmic Gymnas­tics ay nanaig sa individual all around (56.96), rope (15.40), hoop (14.90), ball (14.60) at team event upang pangunahan ang 17 ginto na napanalunan ng delegasyon.

Makulay na pagbubukas sa archery na ginaga­wa sa bagong bihis na Zam­bales Sports Complex ang ipinakita ng 15-anyos na si Bondoc nang manaig siya sa 30m (308), 50m (278), 60m (268) at Single FITA sa kabuuang 1135 puntos.

Ang nakahulagpos na ginto kay Bondoc ay sa 40m distansya nang na­ka­gawa lamang ng 281 at kinapos ng pitong arrows sa nanalong si Christal Palilio ng Nueva Ecija (288).

 Kuminang pa rin ang Pampanga sa track and field matapos magdagdag pa ng limang ginto ka­ha­pon.

Apat dito ay mula sa track events na hatid ng mga panalo nina Danice Elaine Luig, Terenz Catillo Tongol at Mark Louie Garon sa 200m secondary girls, boys at elementary boys habang si Rene Mercado ay nanalo sa 800m secondary boys.

CENTRAL LU

CHRISTAL PALILIO

CHRISTINE FAITH TAYNAN

DANICE ELAINE LUIG

JEAN KARLA BONDOC

JENNY ANN CALLEJA

MARK LOUIE GARON

NUEVA ECIJA

PAMPANGA

REGIONAL ATHLETIC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with