^

PSN Palaro

Pacman bibisita kay Jeremy Lin

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi malayong maka­daupang-palad ni Manny Pacquiao ang NBA sensa­tion na si Jeremy Lin ng New York Knicks sa susunod na linggo.

Nakatakdang magtu­ngo ang Filipino world eight-division champion sa United States para sa kanilang press conference ni Timothy Bradley, Jr. sa Huwebes sa Chelsea Piers sa New York City.

Ngunit bago ito ay pupunta si Pacquiao sa Madison Square Garden sa Mi­yerkules para personal na makilala ang Taiwanese-American na si Lin, iginiya ang Knicks sa pitong sunod na panalo ngayong NBA season.

Kilalang mahilig sa basketball ang Sarangani Congressman, at sa katuna­yan sa kanyang paglalaro sa MP-Gensan Warriors, suot niya ang jersey No. 17 kagaya ng ginagamit ng 6-foot-3 na si Lin.

“The only thing is when he is driving to the basket down the lane, the sea parts,” sabi ni Lee Sa­muels, ang spokesman para sa Top Rank Promotions.

Sa kanyang unang biyahe sa Chicago para sa kanilang press tour ni Me­xican-American David Diaz noong 2008, unang gustong makita ni Pacquiao ay ang estatwa ni NBA le­gend Michael Jordan sa labas ng United Center.

“He just stared at it for the longest time,” sabi ni Samuels kay ‘Pacman’. “He really loves basketball. Wherever he is, he’s always trying to get a pickup game.”

Ilang NBA superstars na rin ang dumalaw sa pag­sasanay ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California, At isa na rito ay si Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers.

vuukle comment

AMERICAN DAVID DIAZ

CHELSEA PIERS

GENSAN WARRIORS

JEREMY LIN

KOBE BRYANT

LEE SA

LOS ANGELES LAKERS

MADISON SQUARE GARDEN

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with