UST Tigers wagi sa NU Bulldogs sa Final Four ng UAAP baseball

MANILA, Philippines - Hindi puwedeng maliitin ang determinasyon ng isang nagdedepensang kam­peon.

 Ito ang napag-alaman ng National University Bulldogs nang lapain sila ng UST Tigers, 4-2, sa larong umabot ng extended inning sa pagsisimula ng 67th UAAP baseball Final Four kahapon sa Rizal Memorial Diamond.

Winalis ng Bulldogs ang limang laro sa second round para maging No. 1 team at ito ang nakasalba sa koponan sa maagang bakasyon dahil tangan nila sa tagisan ang twice to beat advantage.

Si Arcel Aligno ang tu­mayong bida para sa Tigers sa 10th inning nang ang kanyang malayong single sa right field ay nagpapasok sa mga kakam­ping sina Arvin Plaza at John Conge na tumuntong sa isang hit at base on ball, ayon sa pagkakasunod.

Kinumpleto ni relief pit­cher Amber Plaza at ma­gandang depensa ng Ti­gers ang mahusay na pag­bangon ng Tigers mula sa 1-0 kalamangan ng Bulldogs sa unang tatlong innings matapos hindi paiskorin sa huling palo ang kalaban.

Ang deciding game ay gagawin sa Linggo at ang mananalo ang siyang makakalaban ng Ateneo sa best-of-three finals series.

Humataw agad ng limang hits para sa anim na runs ang Blue Eagles.

Show comments