La Salle wagi sa Ateneo sa baseball

MANILA, Philippines - Hiniritan ni relief pitcher Carlos Laurel ng strikeout si Kevin Ramos upang masayang ang posibleng pa­nablang play at maiuwi ng La Salle ang 12-9 panalo laban sa Ateneo sa pagtatapos kahapon ng UAAP baseball eli­mination sa Rizal Memorial Ballpark.

Kumawala ng apat na runs ang Green Archers sa ikaanim na innings upang basagin ang 6-all tabla pero kinaila­ngang magpakatatag para maisantabi ang tangkang pag­bangon ng Blue Eagles.

Ang pangyayari ay nagresulta upang masalo ang La Salle at Ateneo sa ikalawa at tatlong puwesto sa 7-3 karta pero nakuha pa rin ng Blue Eagles ang No. 2 seeding at ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four dahil sa mas mataas na runs-allowed.

Lumabas na No. 1 at may ‘twice-to-beat’ advantage ang National University na kinumpleto ang 5-0 sweep sa second round mula sa 19-9 panalo sa Adamson.

Show comments