AFDP suportado ni Prince Hussein
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Prinsipe Ali Bin Al Hussein ng Jordan ang pagpapasinaya sa bagong tatag na Asian Football Development Project (AFDP) bukas sa Calamba, Laguna.
Sa Pilipinas isinagawa ang paglulunsad ng AFDP na mismong proyekto ni Prince Ali at ito ay isasabay sa pagbabalik ng Kasibulan Football Grassroots Development Program na proyekto ng Philippine Football Federation (PFF)..
Layunin ng AFDP na tulungan ang mga grassroots programs bukod pa sa pagsulong sa women’s football sa rehiyon.
Nakatakda ring magbigay ng mga kagamitan si Prince Ali para magamit sa paghubog ng mga batang manlalaro.
Makakasama ng Prinsipe sa paglulunsad sina PFF president Mariano Araneta bukod pa kina Calamba City Mayor Joaquin Chipeco Jr. at Congressman Timmy Chipeco na siyang may katha sa Calamba Football Festival.
Ang Festival ay katatampukan ng mahigit na 600 manlalaro mula sa 58 koponan na maglalaban-laban sa 9-under, 13-under at 17-under sa boys at 17-under sa girls na magtatagal hanggang Disyembre.
Plano rin ng mga pamahalaang local ng Calamba na magdaos ng Invitational Cup sa Abril, National Cup at International Cup sa bandang Disyembre na posibleng lahukan ng mga bisitang koponan mula Kuala Lumpur, Malaysia, Chinese Taipei at Seoul Korea.
- Latest
- Trending