^

PSN Palaro

Pagulayan naka-isa na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kinuha ni Alex “The Lion” Pagulayan ang unang titulo sa taong ito nang talunin si Oscar Dominguez, 11-9, sa finals ng 16th Annual Jay Swanson Memorial 9-Ball Tournament na ginawa sa Hard Times Billiards sa Belflower, California, USA.

Ito ang ikalawang sunod na taon na dinomina ni Pagulayan ang nasabing kom­petisyon na nilaro noong Pebrero 4 at 5 at nangyari ito kahit nilahukan ang palaro ng mga bigating pool players tulad ng mga dating kampeon na sina Morro Paez (1999 at 2001), Dave Hemmah (1996), Mitch Ellerman (2009), A mar Kang (2006).

Kinailangan din ni Pagulayan na bu­mangon mula sa loser’s side nang natalo kay Eberle sa seventh round upang ma­ging matamis ang panalo.

Umabot sa 192 ang manlalarong nag­laban at sila ay sumalang sa 16 rounds at si Pagulayan ay nakapasok sa finals nang balikan si Eberle, 7-2, at mapangunahan ang loser’s bracket.

Si Dominguez ang kampeon sa winner’ side pero malamig ang kanyang na­ging panimula dahilan upang lumayo sa 10-3 si Pagulayan sa race to 11 finals.

Ngunit nakabawi ang Mexican-Ameri­can player at naipanalo ang anim na su­nod na racks para dumikit sa 10-9.

Walang tira si Dominguez sa 1-ball upang mangailangan siya ng safety shot.

Pero may kung anong suwerte ang ku­mapit kay Pagulayan dahil ang kanyang pabandang tira sa cue ball ay hindi lamang tumama sa 1-ball kundi gumulong pa sa nagkumpulang bola na kinabilangan ng 9-ball.

Tamang-tama ang lakas ng banggaan ng cue-ball at ibang bola at ang 9-ball ay gumulong patungo sa side pocket upang hiranging kampeon uli si Pagulayan.

Halagang $3,000.00 ang premyong na­panalunan ni Pagulayan matapos kumu­bra ng $3,550.00 sa tatlong torneo na sinalihan sa Derby City noong nakaraang buwan.

ANNUAL JAY SWANSON MEMORIAL

BALL

BALL TOURNAMENT

DAVE HEMMAH

DERBY CITY

EBERLE

HARD TIMES BILLIARDS

MITCH ELLERMAN

PAGULAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with