^

PSN Palaro

Kasaysayan sa Lady Altas

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Gumawa ng kasaysa­yan ang University of Per­petual Help System Dalta nang nakuha ang kauna-unahang NCAA women’s volleyball title sa pamama­gitan ng 25-15, 26-24, 25-10, dominasyon sa Letran nitong Lunes sa Ninoy Aquino Stadium.

Unang titulo ito ng Lady Altas mula nang sumali sa liga noong 1984 at makulay ito dahil hindi sila natalo sa loob ng 14 na laro.

“Last year pa dapat ay champion na kami pero may mga hindi magandang pangyayari na nakaapekto sa laro namin. Pero sa taong ito, pinatunayan nila na deserving silang maging champion kaya masaya ako para sa mga players ko,” ani coach Mike Ra­fael.

Si Rose Tubino ang na­nguna sa Lady Altas sa laban na kung saan ang Lady Knights ay nakapagbigay lamang ng kompetisyon sa second set bago tuluyang bumigay tungo sa second place na pagtatapos.

Si Tubino ang nagpasiklab sa pagbangon ng Lady Altas mula sa 9-3 iskor at naitabla ang laban sa 20-all.

Umabante sa set point ang Lady Knights sa mga hits ni Manel Carolino pero naroon uli si Tubino na nagpakawala ng apat na sunod na kills para ibigay sa kanyang koponan ang 2-0 karta.

Nawalan na ng kumpiyansa ang Lady Knights sa ikatlong set na madaling napanalunan ng Lady Altas tungo sa pagkumpleto sa 14-0 sweep.

Si Tubino ang hinirang bilang MVP sa dibisyon habang si Rafael ang Coach of the Year.

Doble selebrasyon ang nangyari sa host Perpetual dahil nagdomina rin ang nagdedepensang Altas gamit ang 14-0 sweep.

Tinapos nila ang best-of three series laban sa San Beda gamit ang 25-14, 25-15, 25-23, panalo at si Marcelo Joaquin ang lumabas na MVP ng dibisyon.

COACH OF THE YEAR

HELP SYSTEM DALTA

LADY

LADY ALTAS

LADY KNIGHTS

MANEL CAROLINO

MARCELO JOAQUIN

MIKE RA

NINOY AQUINO STADIUM

SI TUBINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with