^

PSN Palaro

Freego tinakasan ang Cebuana

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Naipasok ni Roider Cab­rera ang isang tres sa pagtunog ng final buzzer para sa 57-56 paglusot ng Freego Jeans laban sa Cebuana Lhuillier sa semifinal round ng PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa San Juan Arena.

Ang buslo ni Cabrera mula sa magandang pasa ni Lester Alvarez ay pa­nuk­li sa passing error ni Ke­vin Alas sa huling play ng Gems para kunin ng Jeans Makers ang 1-0 ka­lamangan sa kanilang best-of-three semis series.

Naunang nagpakalayu-layo ng 16 puntos ang tropa ni coach Leo Austria, 29-13, pero bumangon ang Gems gamit ang kanilang husay sa pagbuslo sa tres.

Magkasunod na triples ni Terrence Romeo ang nag­bigay ng 56-54 kalama­ngan sa tropa ni coach Luigi Trillo may 11.8 segundo sa laro.

Nasupalpal si Alvarez at ang bola ay lumabas pabor sa Gems may 6 segundo sa orasan ngunit ang kaga­la­kan na naramdaman ng mga panatiko ng koponang pumangalawa sa NLEX sa Foundation Cup ay na­pa­litan ng lungkot nang ma­kakawala si Cabrera ng ma­halagang tres.

“Ang maganda sa team ay naroroon na ang com­posure at confidence. Sa­na ay hindi magbago ang takbo sa next game,” wi­ka ni Austria.

May 16 puntos at apat na steals si Alvarez, habang si Camson ay naghatid ng 11 puntos at 9 boards para sa Jeans Makers.

Si Vic Manuel ay gumawa naman ng 15 puntos, 13 rebounds at 2 blocks para sa Gems.

Muling magtutuos sa Huwebes ang dalawang koponan at ang isa pang panalo ng Freego Jeans ay magtutulak sa kanila sa kauna-unahang finals ap­pearance.

ALVAREZ

CABRERA

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

FOUNDATION CUP

FREEGO JEANS

JEANS MAKERS

LEO AUSTRIA

LESTER ALVAREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with