Azkals laban sa Incheon Citizens bukas sa RMS

MANILA, Philippines - Muli na namang sasabak ang Philippine Azkals sa isang charity match sa pakikipag­harap sa South Ko­rean team na Incheon Citizens bukas sa Rizal Me­morial Stadium sa ganap na alas-6 ng gabi na mapapanood nang live sa Studio 23.

Isasagawa ang laba­nang tinatawag na ‘Kia Rio Cup’ para matulungan sa pamama­gitan ng ABS-CBN Sagip Kapamilya ang mga nabiktima ng bagyong ‘Sendong’ no­ong Disyembre.

Bagama’t wala sa laban ang ilang Azkals na nakabase sa Europe dahil na rin sa kanilang mga obligasyon sa kani-kanilang mga clubs, maglalaro naman sina Phil at Ja­mes Younghusband, Chieffy Caligdong, Ian Araneta at Anton del Rosario.

Unang naglaro sa isang charity match para sa mga biktima ng ‘Sendong’ ang Azkals noong Enero 7 kung sa­an nakaharap nila ang CF Internacional Madrid ng Spain.

Higit sa P1.5 milyon ang nalikom ng laro.

Show comments