Perpetual netters paborito sa NCAA tennis competition

MANILA, Philippines - Ipapamalas ng mga batang netters ng University of Perpetual Help System Dalta ang kanilang hu­say sa pagbubukas ng 87th NCAA lawn tennis com­petition ngayon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sina Russel Arcilla at Elson Solon ang mangu­nguna sa laban ng Altas na magbabalak na wakasan ang 14 taong pagkauhaw sa men’s title.

Hinangaan ang laro sa juniors nina Arcilla at Solon at naniniwala ang pamunuan ng Altas sa kakayahan nilang bitbitin ang paaralan sa men’s play.

Ang Letran, hari ng tor­neo sa huling tatlong edis­yon, ang siyang magi­ging tinik sa landas ng Altas na huling nagkampeon no­ong 1996 at 1997 seasons.

“Makakaasa ang lahat ng aming manlalaro ng su­porta at dasal para sa ka­­nilang ikatatagumpay sa liga,” ani Perpetual Help president at policy board chairman Anthony Tamayo.

Show comments