Bulls iniligtas uli ni Rose sa panalo
BOSTON--Sinayang ng Chicago Bulls ang isang 20-point lead bago nagdesisyon si Derrick Rose na kontrolin ang laro.
Alam ni Rose na kailangan niyang isalpak ang kanyang tira matapos ang mintis na jumper ni Paul Pierce na nagbigay sana sa Boston Celtics ng una nilang bentahe.
“That was my whole mindset, just getting to the hole if I was close enough to shoot the floater,” ani Rose matapos igiya ang Bulls sa 88-79 panalo laban sa Celtics. “Just making sure that I was aggressive.”
Isinalpak ni Rose ang kanyang layup at naimintis ng Celtics ang kanilang tira at dalawang freethrows pa ang idinagdag ni Rose para ibigay sa Bulls ang 71-66 lamang sa 8:30 ng fourth quarter.
Hindi nakalaro si Rose sa 78-64 panalo ng Chicago kontra sa Washington Wizards dahil sa isang sprained left big toe.
Sa iba pang laro, pinataob ng Detroit ang Charlotte, 98-81; hiniya ng Philadelphia ang Washington, 120-89; sumadsad ang Toronto sa Indiana, 95-90 ay nilampaso ng NBA champion Dallas ang Milwaukee, 102-76.
- Latest
- Trending