Best Center sa Xavier, Starmall-Alabang

MANILA, Philippines - Sisimulan ng BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) ang kanilang weekend classes ngayong taon sa dalawang venues.

Muling magiging punong-abala ang Xavier School, pinagdausan na ng maraming Best center events, kabilang ang Passerele, Small Basketeers Philippines at Women’s Basketball League ng panibagong clinic na nakatakda sa Enero 14 hanggang Marso 3.

Ipakikilala ang Basketball, Levels 1,2,3 at 4 na gaganapin mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon sa Sa­turdays-only Xavier clinics.

Samantala, sinabi naman ni Best Center founding chairman Nic Jorge, na dati ring national coach na ang mga interesadong mag-aaral ay maaaring lumahok sa Starmall-Alabang clinic.

Ayon pa kay Jorge, hanggang Linggo na lamang tatanggapin ang mga aplikante sa Starmall-Alabang.

Show comments