^

PSN Palaro

Trap shooters maghahabol sa London Olympics

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Maghahabol ng puwes­to sa London Olympics ang mga trap shooters ng bansa sa paglahok sa 12th Asian Shooting Championships sa Doha Qatar mula Enero 11 hanggang 22.

Sina Olympians Jethro Dionisio at Eric Ang ka­sama ni Hagen Topacio ang babandera sa trap dele­gation na magsisikap na makasali sa ikatlong su­nod na edis­yon ng Olympics.

Noong 2004 sa Athens ay si Dionisio ang kumata­wan habang si Ang ang nasama sa 2008 Beijing Games at ang dalawa ay nasama dahil na rin sa wild card berths.

“We’re confident this time ay makakasali ang P­i­lipinas sa London Olympics matapos ang isang quali­fying event. Ang unang tatlong shooters lamang ang magkakaroon ng slots pero malaki ang laban ng Pilipinas dahil halos lahat ng top shooters ay nakapasok na sa mga naunang qualifying tournaments,” wika ni Dionisio sa pag­lahok sa huling Olympic qualifying event sa shooting nang maging panauhin sa lingguhang SCOOP Sa Kamayan kahapon sa Padre Faura.

Aminado si Dionisio na hindi gaanong aktibo sa paglahok ang trap shoo­ters pero patuloy silang nagsasanay at handa sila sa magaganap na torneo.

Ilalaban naman si Brian Rosario sa skeet event ha­bang inaasahan din ang pag­sali nina Nathaniel “Tac” Padilla at Jason Valdez sa pistol at air rifle events.

Ang delegasyon ay pi­­nagtulungang pondohan ng Philippine Natio­nal Shooting Association (PNSA) at Philippine Sports Commission (PSC).

ASIAN SHOOTING CHAMPIONSHIPS

BEIJING GAMES

BRIAN ROSARIO

DIONISIO

DOHA QATAR

ERIC ANG

HAGEN TOPACIO

JASON VALDEZ

LONDON OLYMPICS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with