^

PSN Palaro

Azkals Alyansa laban sa CFIM para sa isang charity game

-

MANILA, Philippines - Lalabanan ng Philippine Azkals ang third division football club na CF Internacional de Madrid (CFIM) ng Spain sa isang charity match para sa mga biktima ng bagyong ‘Sendong’ sa Sabado sa Rizal Memorial Football Stadium.

Nakatakda ang natu­rang laban sa alas-4 ng hapon.

Makikipagsanib-puwer­sa ang Azkals players na sina Phil at James Young­husband, Ian Araneta, An­gel Guirado, co-captain Chieffy Caligdong at iba pa sa mga manlalaro mula sa United Football League (Philippines) para sa selection squad na Azkals Alyansa.

Sa mensahe ng CFIM chief na si Stephen Kenneth Newman sa Facebook account ng team, si­nabi nitong magiging exciting at competitive ang laro.

Bago ang laro, mapapanood muna ng mga fans ang mga paborito nilang artista sa isang friendly football challenge sa alas-2 hanggang alas-4 ng hapon.

Isang telethon naman ang pangungunahan ng mga Kapamilya stars para sa Sagip Kapamilya mula alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Ang ticket sa chari­ty match ay nagkakahalaga ng P100, P200, P300, P400 at P500 at mabibili sa mga Ticketworld outlet.

Mapupunta ang ticket sales at ibang proceeds ng laro sa Philippine National Red Cross para matulu­ngan ang mga biktima ng bagyong ‘Sendong’.

Tunghayan ang charity match ng Azkals Alyansa at ng CF International Madrid sa Sabado sa Studio 23.

Masasaksihan ang naturang laro sa Ka­pamilya Bro channel at IPTV ng ABS-CBN.

AZKALS ALYANSA

CHIEFFY CALIGDONG

IAN ARANETA

INTERNATIONAL MADRID

JAMES YOUNG

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with