Youth chessers sumulong ng 9 medals
MANILA, Philippines - Apat na gold, isang silver at apat na bronze medals ang naisulong ng national youth team sa Singapore International Chess Festival na ginanap sa Jurong East Sports Complex noong Linggo.
Bagama't tabla ang laban ni Michelle Yaon ng Calamba City, Laguna kontra kay Sushmitha G ng India, sapat na ito para tumapos siya na may 6.5 points sa girls U-17 para sa gold medal.
"Alay ko po sa bayan po itong gintong medalya." ani Yaon, na nagkaroon din ng pagkakataon na makalaban si Charice Pempengco tatlong beses sa nakalipas na singing contest sa Laguna.
Nagtala naman si Dennis Gutierrez III ng San Fabian, Pangasinan ng crucial victory kay Jiddan Firman ng Indonesia sa Open U-8 division na may 8.0 points.
- Latest
- Trending