Texters 'di na pakakawalan ang titulo
MANILA, Philippines - Nabigong makamit ang inaasam na Grand Slam noong nakaraang 2010-2011 season matapos mabigo sa Petron Blaze sa PBA Governors Cup, pupuntiryahin ng Talk ‘N Text ang 2011-2012 PBA Philippine Cup.
Ayon kay Tropang Texters’ head coach Chot Reyes, hindi ibig sabihin na gusto lamang nilang makabawi mula sa sinapit na kabiguan sa Boosters.
“It’s not about redemption,” wika ni Reyes. “Our motivation springs from our desire to be the best we can be. It comes from within.”
Inangkin ng Talk ‘N Text ang nakaraang 2010-2011 PBA Philippine Cup laban sa San Miguel, ngayon ay Petron Blaze, at ang Commissioner’s Cup kontra sa Barangay Ginebra para sa tsansang maging pang apat na PBA team na nakakuha ang pambihirang Grand Slam.
Subalit sa kabila ng mga injury nina Jay Washington at Rabeh Al-Hussaini ay tinalo pa rin ng Boosters ang Tropang Texters, 4-3, sa kanilang best-of-seven championship series upang makopo ang PBA Governors Cup.
At muling maghaharap ang Talk ‘N Text at ang Petron Blaze sa best-of-seven semifinals series para sa 2011-2012 PBA Phjilippine Cup sa Game One sa Enero 5 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“This is great opportunity for us to have our payback, this gives ourselves a chance to beat Petron,” sabi ni Tropang Texters’ point guard Jimmy Alapag. “But Petron definitely has a lot of talented players and has a very good coach.”
Hangad ng Talk N Tex na maging unang koponan matapos ang Great Taste na nakapagdepensa ng isang All-Filipino Cup noong 1985.
Sa elimination round, dalawang beses tinalo ng PLDT franchise ni Manny V. Pangilinan ang Petron Blaze.
“Our option right now is to get healthy,” ani Alapag na muling makakatuwang sina Kelly Williams, Jayson Castro, Ryan Reyes, Jared Dillinger, Ranidel De Ocampo, Aaron Aban at ang nagbabalik na si Ali Peek. “Our two victories against them don’t mean anything come playoff time, when things are back to zero-zero.”
- Latest
- Trending