^

PSN Palaro

PSC bubuksan na ang suporta sa mga NSAs

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi na isasara ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) ang kanilang pintuan sa mga asosasyon na nais na tumulong para lumakas uli ang sports ng bansa.

Ang ginawang pagsu­porta sa 1st Nikki Cose­teng Swimming Cup kama­kailan sa Rizal Memorial Swimming Pool ang simula ng pagbubukas ng pintuan ng PSC sa mga nagnanais na tumulong para makadiskubre ng mga bagong ta-lento na mapapakinaba­ngan ng bansa.

“Ang PSC ay bukas pa­ra sa lahat ng nagnanais na tumulong,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Ang dating patakaran ay tanging mga Natio­nal Sports Associations (NSAs) na kinikilala ng Phi­lippine Olympic Committee (POC) ang puwedeng gumamit ng pasilidad na pinangangalagaan ng PSC pero nag-iba ang pananaw ng PSC matapos ang 26th SEA Games.

Sa nasabing torneo sa Indonesia ay nabokya ang Pilipinas sa swimming na patunay na walang talentong nadiskubre ang Philippine Aquatics Swimming Association (PASA) habang namamayagpag ang Pilipinas sa SEAG mula 2003.

Si Mark Joseph ang pangulo ng PASA na patuloy na kinikilala ng POC bilang lehitimong miyembro.

“PASA is a member of the POC. Other groups though are welcome to develop their swimmers. We are for Philippine swimmers in general,” may paninindigan pang sinabi ni Garcia.

Nakasama pa ni Garcia si Commissioner Salvador Andrada na nakiisa at naggawad ng medalya sa mga nagsipanalo.

Pinasalamatan naman ng dating Senadora na si Coseteng ang pagtulong ng PSC na bukod sa pasilidad ay nagbigay din ng P100,000 para itulong sa kanilang mga gastusin.

 

COMMISSIONER SALVADOR ANDRADA

GARCIA

OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE AQUATICS SWIMMING ASSOCIATION

PILIPINAS

PSC

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL SWIMMING POOL

SHY

SI MARK JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with