Pietrus pinakawalan na ng Phoenix Suns

PHOENIX--Pinakawalan na ng Phoenix Suns si swingman Mickael Pietrus matapos magkasundo sa isang financial agreement.

Inihayag ito ng Suns kung saan bumaba sa 14 ang players ng Phoenix.

Noong Hulyo, ginamit ni Pietrus ang isang player option para makabalik sa Suns ngayong season para sa isang $5.3 million salary.

Sumailalim si Pietrus sa isang minor right knee surgery noong Hulyo makaraang ideklara ng French national team na hindi siya maaaring makapaglaro dahilan sa kanyang tuhod.

Hindi rin siya nakalaro sa huling 12 games ng nakaraang NBA season bunga naman ng isang quadriceps-tendon strain sa naturang tuhod.

Show comments