Wizards pinayukod ang Ironmen

MANILA, Philippines - Binigyan ng PC Gil­more ng magandang pagta­tapos ang laro sa 2011 sa PBA D-League Aspirants Cup nang iuwi ang 74-64 panalo sa Cobra Energy Drink kahapon sa Yñares Sports Are­na sa Pasig City.

Ang dikitang laban ay na­uwi sa malaking panalo ng Wizards nang ma-outscore nila ang Ironmen, 21-11, may 4:34 sa labanan.

Sina Mark Cagoco at Car­melo Lim ay pumukol ng tig-isang tres para ma­pagningas ang mahala­gang 11-0 run upang maibaon ang kalaban matapos ang huling tabla sa 53-53 na hatid ng buslo ni Michael Noble.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Wizards ma­tapos buksan ang kampanya sa liga tangan ang 0-5 rekord upang manati­ling palaban sa isang puwesto sa quarterfinals.

Ang huling tatlong laro ng Wizards ay kontra sa DUB Unlimited, Blackwater at Boracay Rum at kaila­ngan nilang walisin ang na­sabing mga laban para manatiling buhay ang pag­ha­habol sa puwesto sa su­sunod na yugto ng la­ba­nan.

Nalaglag ang Ironmen sa 1-8 karta.

PC Gilmore 74 – Mandani 17, Cagoco 16, Celiz 13, Sarangay 6, Acosta 6, Taha 6, Vidal 3, Lim 3, Sorela 2, Foronda 2, Tor­res 0.

Cobra Energy Drink 64 – Sumido 16, Nimes 15, Cortes 12, Enguio 7, Noble 4, Tagarda 4, Cubo 2, Casajeros 2, Flores 2, Zablan 0, Stevens 0.

Quarterscores: 14-9; 32-30; 45-41; 74-64.

Show comments