^

PSN Palaro

Para sa solo 2nd spot sa NCAA Volleyfest lady Pirates, Knights magtutulakan

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hawakan ang solong ikalawang puwesto ang na­kataya sa pagitan ng Lyceum at Letran sa pagpa­patuloy ng 87th NCAA women’s volleyball ngayon sa Letran Gym sa Intramuros, Manila.

Magtutuos ang Lady Pirates at Lady Knights sa ikalawang laro sa limang larong nakahanay sa mag­hapon at ang mananalo ay aangat sa standings sa 3-1 baraha.

Kasalo ngayon ng Lyceum at Letran sa ikala­wang puwesto sa 2-1 ba­raha ang mga pahingang San Beda at Arellano kaya’t tiyak na magiging mahigpitan ang bakbakan sa larong itinakdang masila­yan sa ganap na alas-9 ng umaga.

Sariwa sa tagumpay ang Lady Pirates at Lady Knights nang kunin ng una ang 25-17, 25-12, 25-11, straight sets panalo laban sa Mapua Lady Cardinals habang ang huli ay umani ng mahirap na 25-21, 25-21, 12-25, 13-25, 16-14, pa­nalo sa College of St. Benilde.

Sasalang din sa laro ang nagdedepensang San Sebastian Lady Stags na babanggain ang Lady Cardinals dakong ala-1 ng hapon.

Malamig ang panimula ng Lady Stags dahil may isang panalo lamang ito matapos ang tatlong laro.

Dumanas pa ang kopo­nan ng dagok sa kampanya nang mabugbog si coach Roger Gorayeb nang naglaro ang koponan sa San Beda Gym noong Disyembre 1 laban sa host Perpetual Help.

Nasa kasagsagan na ng ikatlong set nang nangyari ang kaguluhan at nagdesisyon na lamang ang pamunuan ng Lady Stags na huwag ng tapusin ang bakbakan para matalo sa labanan.

Si Gorayeb ay inaasahang babalik sa laro at pa­borito ang Lady Stags dahil ang Lady Cardinals ay hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang apat na laro.

Ang unang labanan sa ganap na ika-8 ng umaga ay sa pagitan ng junior teams ng Lyceum at Letran habang ang men’s teams ng dalawang paaralan ang magtutuos dakong alas-10.

Ang Stags at Cardinals ang siyang tatapos sa mga laro sa araw na ito sa kanilang alas-2 ng hapong sagupaan.

vuukle comment

ANG STAGS

COLLEGE OF ST. BENILDE

LADY

LADY CARDINALS

LADY KNIGHTS

LADY PIRATES

LADY STAGS

LETRAN

LETRAN GYM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with