^

PSN Palaro

Rivera, Clutario kumikikig pa, pasok sa Last 8 sa World Cup

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Naipagpatuloy nina Biboy Rivera at Liza Clutario ang magandang bitiw sa bola para makausad sa top 8 sa men’s at women’s division sa ginaganap na Qubica AMF Bowling World Cup sa Northcliff Bowling Center sa Johannesburg, South Africa.

Matapos ang walong games si Rivera ay nakapagtala na ng kabuuang 6500 puntos o 232.14 average para malagay sa ikapitong puwesto.

Nangunguna pa rin si Tommy Jones ng USA matapos ang 28 games sa 6739 puntos o 240.68 average habang sina Jason Belmonte ng Australia (6702), Mykhaylo Kalika ng Ukraine (6681), Kimmo Lehtonen ng Finland (6534), Lu­cas Legnani Argentina (6534) at Mats Maggi ng Belgium (6520) ang nasa ikalawa hanggang ikaanim na puwesto.

Si Francois Louw ng South Africa ang kumumpleto sa unang walo sa kalalakihan sa 6470.

Gumawa naman ng 6094 iskor si Clutario o 217.64 average para malagay sa pang-anim na puwesto.

Ang nagdedepensang kampeon na si Aumi Guerra ng Dominican Republic ang nasa itaas sa 6,748 habang sina Diandra Asbaty ng USA (6408) Cherie Shi Hua Tan ng Singapore (6242), Sandra Andersson ng Sweden (6199) at Krista Pollanen ng Finland (6158), ang nasa ikalawa hanggang ikalimang puwesto.

Sina Wendy Kok ng Netherlands (6,072) at Lisa John ng England (5,984) ay pasok sa Top 8 sa kababaihan.

vuukle comment

AUMI GUERRA

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

CHERIE SHI HUA TAN

DIANDRA ASBATY

DOMINICAN REPUBLIC

JASON BELMONTE

KIMMO LEHTONEN

SOUTH AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with