Texters kailangan ng himala
MANILA, Philippines - Matapos patalsikin ang Aces, ang kanilang tsansa naman sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinal round ang tututukan ng Tropang Texters.
Nakatakdang labanan ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang Petron Blaze ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Barako Bull at Powerade sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.
Bumangon ang Tropang Texters mula sa isang two-game losing skid para kalusin ang Aces, 100-97, noong Disyembre 3.
Tangan ng Talk ‘N Text ang liderato sa bisa ng kanilang 9-3 kartada kasunod ang B-Meg (9-4), Petron (9-4), Rain or Shine (8-5), Meralco (8-6), Barangay Ginebra (7-5), Barako Bull (6-6) at Powerade (5-8) at mga sibak nang Alaska (3-10) at Shopinas.com (0-13).
Ayon kay coach Chot Reyes, himala na kung manatili pa sila sa top spot pagkatapos ng elimination round.
“We’re on top on the strength of the old team. But what we have right now is a different team,” sabi ni Reyes sa kanyang Tropang Texters. “The strength of the old team is chemistry and depth. We don’t have now.”
“If we find some miracle to beat Petron and Ginebra, good. But the way we’re playing, I think we have no chance,” dagdag pa nito.
Nanggaling naman sa kabiguan ang Boosters nang yumukod sa Gin Kings, 89-91, noong Disyembre 2.
- Latest
- Trending