Cootuaco, Mendoza pumana ng unang ginto sa BP
MANILA, Philippines - Hindi nasira ang diskarte nina Julius Victorio Cootuaco at Maria Mendoza nang hirangin sila bilang mga kauna-unahang gold medalists sa 2011 Batang Pinoy Southern Luzon qualifying leg na nagbukas ang aksyon sa maulang Linggo sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz, Laguna.
Ang 15-anyos na tubong Daet, Camarines Norte na si Cootuaco na gold medalist sa Palarong Pambansa at Philippine National Games, ay nanalo sa kasamahang si John Owen Obias sa Double FITA Round nang nakagawa ng 498 puntos laban sa 452 ng 13-anyos na katunggali.
Pumangatlo si Michael Manalang ng host Province sa 415 puntos.
“Hindi ako nagkukumpiyansa kahit nanalo ako sa Palaro at PNG. Basta ginawa ko ang dapat kong gawin at suwerte at nanalo pa,” wika ni Cootauco, isang graduating high school student ng Chung Hwa High School na kasapi na rin ng national pool sa archery.
Ang masasabing bagito sa sport na si 15-anyos Mendoza ay gumawa ng nangungunang 358 puntos para talunin ang ka-probinsiyang sina Jenny Mendoza (242) while bronze medalist was Faith Dumicon (231).
Isang third year mag-aaral sa La Salle Canlubang, si Mendoza at Cootuaco ay maaaring hirangin bilang double gold medalists sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at suportado ng Smart, Maynilad at Summit Natural Drinking Water dahil palaban pa sila sa mga ginto sa Olympic Round.
- Latest
- Trending