^

PSN Palaro

Elasto nakaiwas sa Clickers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ayaw ng Elasto Pain­ters na maging unang biktima ng Clickers.

Tiniyak ito nina Ryan Araña at Ronnie Matias nang magsalpak ng maha­halagang puntos sa final canto upang akayin ang Rain or Shine sa 88-81 pa­nalo laban sa talsik nang Shopinas.com sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

 Umiskor si Jeff Chan ng 14 points, habang may tig-12 sina Araña at JR Qui­ñahan at 9 si Matias para wakasan ang four-game losing slump ng Elasto Painters.

Iniakyat ng Rain or Shi­ne ang kanilang win-loss re­cord sa 8-5 kapantay ang Meralco sa ilalim ng nagde­de­pensang Talk 'N Text (9-3), Petron Blaze (9-4) at B-Meg (9-4) kasunod ang Barangay Ginebra (6-5), Barako Bull (6-6), Po­werade (5-8), Alaska (3-10) at Shopinas.com (0-13).

Nakuha ng Clickers ang 27-19 lamang sa first pe­riod hanggang makabangon ang Elasto Painters sa half­­time, 41-32, mula sa ka­nilang 22-5 produksyon sa second quarter.

Nakalayo ang Rain or Shine sa 59-50 sa dulo ng third period patungo sa 69-59 bentahe laban sa Sho­pinas.com sa 8:46 ng final canto mula sa three-point shot ni TY Tang.

Huling nakalapit ang Clic­kers sa 70-73 agwat sa 6:21 ng laro sa likod ni­na Paulo Hubalde at Jojo Duncil kasunod ang pagbibida nina Arana at Matias na muling nagpadyak sa Elasto Painters sa 83-72 sa huling 2:29.

Kasalukuyan pang nag­lalaban ang Barangay Ginebra at Meralco Bolts habang sinusulat ang balitang ito.

Rain or Shine 88 - Chan 14, Araña 12, Quiñahan 12, Matias 9, Norwood 9, Cruz 7, Tang 7, Belga 7, Rodriguez 7, Buenafe 4, Lee 0, Ibanes 0.

Shopinas.com 81 - Duncil 23, Jazul 17, Sena 11, Hubal­de 9, Espiritu 7, Ritualo 6, Menor 4, Sison 2, Daa 2, Es­co­bal 0, Aquino 0, Se 0.

Quarterscores: 19-27, 41-32, 61-55, 88-81.

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

ELASTO PAIN

ELASTO PAINTERS

JEFF CHAN

JOJO DUNCIL

MATIAS

MERALCO BOLTS

SHOPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with