^

PSN Palaro

Beckham, LA Galaxy gustong bumalik sa Pinas

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong araw na pamamalagi, sinabi nina David Beckham, Lan­don Donovan at ng Major League Soccer Cup champions LA Galaxy na gusto nilang bumalik sa Pilipinas.

Dinomina ng LA Galaxy ang Philippine Azkals, 6-1, sa kanilang friendly match kamakalawa ng gabi sa Rizal Memorial Football Sta­dium sa Malate, Manila.

Nagpasalamat sina Beckham, Donovan at ang kanilang coach na si Bruce Arena sa magandang pagtanggap sa kanila ng mga Filipino fans.

“I would love to come back. It’s been a great trip,” sabi ni Beckham sa post-match press conference. “When we found out we were coming to the Philippines, it was one of those trips we were excited about.”

Ayon kay Beckham , ilang staff members sa Los Angeles ay mga Filipina.

“She told us all about how beautiful it is (Philippi­nes)... and as soon as we arrived, we knew she was telling the truth,” wika ng kinilalang ‘highest paid football player’ sa buong mundo.

Ang 36-anyos na si Beck­ham ang unang nagsal­pak ng goal sa 20th minute ng laro.

At ilang oras matapos ang laro ay kaagad na bu­miyahe ang LA Galaxy patu­ngong Melbourne, Australia para makipaglaro sa Melbourne Victory team.

“We had a really good time,” sabi naman ni Donovan. “The trip to the Philippines has been fantastic. Hopefully one day, we get to come back.”

Ilang minuto matapos namang lumapag sa Australia, nagposte ng kanyang mensahe si Donovan sa Twitter.

“Huge thanks to the Phi­lippine people for making us feel like family. Just got to Australia and miss you already. Kita kits!”

Bumisita ang LA Galaxy sa bansa para sa kanilang 2011 Asia Pacific Tour.

ASIA PACIFIC TOUR

BECKHAM

BRUCE ARENA

DAVID BECKHAM

LOS ANGELES

MAJOR LEAGUE SOCCER CUP

MELBOURNE VICTORY

PHILIPPINE AZKALS

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with