^

PSN Palaro

Baguio overall champion sa BP

-

MANILA, Philippines - Umagaw ng atensyon sina boxers Ryan Reyes at Jerusalem Galvez ng La Union sa pagpasok sa huling araw ng kompetis­yon sa Central at Northern Luzon 2011 Batang Pinoy sa Baguio City.

Sina Reyes at Galvez ay parehong humirit ng knockout panalo para bigyan ng apat na ginto ang La Union sa boxing at maitaas sa 10 ginto, 9 pilak at 8 bronze medals ang kanilang napanalunan at maokupahan ang ikala­wang puwesto sa medal standings.

Ang host Baguio ang siyang number one sa kom­petisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission at may ayuda ng SMART, Maynilad at Summit Mineral Drinking Water.

May 63 ginto, 54 pilak at 54 bronze medals ang pambato ng host City para selyuhan ang pangu­nguna sa palarong ginagawa upang makadiskubre ng mga batang atleta na maaaring katawanin ang Pilipinas sa Youth Olympic Games sa 2014.

Umani pa ng 14 ginto mula sa 16 weight divisions na pinaglabanan ang Baguio sa larangan ng taekwondo sa palarong suportado rin ng Milo, Jollibee, Standard Insurance, The British Council, Manila Bulletin, Negros Navigation-Super Ferry, Kids 3 Food Supplement at RELIV Now for Kids.

Kuminang ang La Union sa larangan ng 3-on-3 basketball habang ang Pangasinan ay kumulekta ng kampeonato sa girls 3-on-3 bukod pa sa mixed doubles sa tennis.

Humataw din ang Baguio sa lawn tennis at sa swimming na pinagkunan ng medalya tungo sa overall title.

Samantala sisimulan ngayon ang National Capital Region elimination na gagawin sa University of Makati.

Aabot sa 400 manlalaro mula sa Kalookan, Malabon, Manila, Parañaque, Pasay, Pateros, Marikina at host Makati ang maglala­ban-laban sa fourth leg at ang mananalo ay aabante rin sa National Finals sa Naga City, Camarines Sur mula Disyembre 10 hanggang 13.

BAGUIO CITY

BATANG PINOY

BRITISH COUNCIL

CAMARINES SUR

DRINKING WATER

FOOD SUPPLEMENT

JERUSALEM GALVEZ

LA UNION

MANILA BULLETIN

NAGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with