^

PSN Palaro

Magandang posisyon itataya ng Big Chill, Cebuana laban sa Café France at Blackwater

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Sasalang ang mga ko­po­nang nasa itaas ng team standings at magnanais na ma­­panatili ang kanilang ma­­gagandang puwesto sa pagpapatuloy ng 2011 PBA D-League Aspirants Cup sa Trinity University of Asia Gym.

Target ng Big Chill na ma­kabalik sa pagsalo sa liderato na solo ngayon ng Freego Jeans sa pagharap sa Café France sa alas-2 ng hapon bago sundan ng mainit na bakbakan sa pagitan ng Cebuana Lhuillier at Blackwater sa alas-4 ng hapon.

Magkasalo sa 3-1 karta ang Gems at Elite kaya ang mananalo ay mananatili sa ikalawang puwesto bukod pa sa pagbangon matapos lumasap ng kabiguan sa huling laban.

Parehong nagwakas ang naunang malinis na 3-0 baraha nang dumapa ang Gems at Elite sa Free­go Jeans sa huling asigna­tura.

Tiyak namang ayaw ng Su­per Chargers na magwakas ang pagpapanalo sa 11 koponang liga lalo pa at ito ang best start sa da­lawang taong paglahok ng bataan ni coach Arsenio Dysangco.

“Kahit maganda ang start namin ay gutom pa rin ang koponan. Kaila­ngan ding pumukpok dahil ma­halagang panalo ang nais din ng Café France,” wika ni Dysangco.

Mula sa 78-73 pana­lo ang Bakers pero sa ka­nilang 1-3 karta, kailangan nilang maipanalo ang mga susunod pang laro upang manatiling palaban sa titulo.

Didiretso sa semifinals ang top two squads matapos ang single round elimi­na­tion, habang ang apat na teams na nakabuntot ay mag­lalaro naman sa quar­­ter­finals.

ARSENIO DYSANGCO

BIG CHILL

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

DIDIRETSO

DYSANGCO

FREEGO JEANS

KAHIT

SHY

TRINITY UNIVERSITY OF ASIA GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with