Jose may tsansa sa gold medal sa chess competition

PALEMBANG, Indonesia --- Nakasisiguro na si two-time national open women’s champion WFM Rulp Ylem Jose ng silver medal sa 26th Southeast Asian Games bagamat may isa pang laro.

Nakihati ng puntos ang dating Far Eastern University standout kontra kay Ca­mil­ia Bt Johari ng Malaysia pa­ra sa kanyang 2.5 points matapos ang tatlong laro.

Kinakailangan pang ta­lu­nin ni Jose si WIM Ngu­yen Thi Mai Hung ng Vietnam upang makaiwas na mag­­­karoon ng pagtatabla pa­ra sa gold medal.

Nanaig naman si WGM Irine Kharisma Sukandar ng Indonesia kay Isawan Srijomtong ng Thailand.

Sina Thi Mai Hung at WGM Irine Kharisma Su­kan­dar ng Indonesia ay kap­wa nagtala ng magkaparehong 1.5 points.

Ngunit ang paboritong si GM Wesley So ay na­­talo kay GM Susanto Mega­ranto ng Indonesia sa men’s standard competition na nagpalabo sa tsansa ng bansa para sa gold medal.

Napataas ni Megaranto ang record sa 3.0 points, ha­bang napako si So sa 2.0 points kagaya nina GM Cao Sang ng Vietnam at FM Kyaw Lin Naing ng Myan­mar.

Sina GM Oliver Barbo­sa, GM Rogelio "Joey" An­tonio Jr., WIM Catherine Pe­rena at WFM Cherry Ann Mejia ay tuluyan nang na­sibak sa men’s at wo­mens rapid play na dinomi­na ng mga Vietnamese.

Show comments