^

PSN Palaro

Pinoy sluggers inangkin ang gintong medalya

- Ni BRMeraña -

PALEMBANG, Indone ­sia - Nanumbalik ang do­minasyon ng Pilipinas sa SEA Games baseball nang ta­lunin ang host Indonesia, 2-0, sa finals kahapon na nilaro sa Jakabaring Sports Complex dito.

Nakaiskor ang Natio­nals sa bottom sixth mula sa fielding error bago hu­ma­taw si Jonash Ponce ng kan­yang ikalawang single at mapapasok si Fulgencio Ran­ces patungo sa ikalawang run sa pagtatapos ng wa­long inning.

Kinumpleto naman ni Dar­win dela Calzada ang so­lidong pagpukol matapos ba­lewalain ang pag­kakaro­on ng Indonesian run­ners sa first at second ba­ses nang iretiro ang su­mu­nod na tatlong hinarap pa­ra maiwagayway muli ang bandila ng Pilipinas sa re­gional games.

"Una sa lahat ay sala­mat sa Panginoon at sa mga kababayan naming su­muporta at nagdasal sa team. Ang panalong ito ay pa­ra sa ating lahat," wika ni na­tional coach Edgar delos Re­yes.

Bunga nito, naibalik ng bansa ang titulong hawak no­ong 2005 SEA Games.

Natalo ang bansa sa Thai­land noong 2007 at nga­yon lamang nagkaro­on ng pagkakataong bawiin ang korona dahil walang ba­seball na isinagawa sa Laos noong 2009.

Ang koponan ay mun­tik ring hindi ilahok ng mga sports officials pero ang pag­pupumilit ng ibang sta­kes holders ang nagtulak pa­ra ipadala ang grupo ga­­mit ang sariling pondo.

Una nang kumuha ng dalawang ginto ang men's at women's softball teams na binalak ring tanggalin ng Philippine Olympic Committe (POC) sa listahan.

BUNGA

FULGENCIO RAN

JAKABARING SPORTS COMPLEX

JONASH PONCE

KINUMPLETO

NAKAISKOR

NANUMBALIK

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTE

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with