Buenavista, Banayag nabigong maidepensa ang kanilang marathon crown sa SEAG

PALEMBANG, Indo­ne­sia --- Naisuko nina Eduar­do Buenavista at Jho-An Ba­nayag ang ka­nilang mga titulo sa marathon para sa malamyang kam­panya ng Pilipinas sa athletics event na nagtapos kaha­pon dito sa Jakabaring Sta­dium.

Nakita ang kawalan ng ma­gandang kondisyon ni Bue­navista nang tumapos la­mang sa ikatlong puwesto sa tiyempong 2:29.09 sa 42-kilometrong karera para sa bronze medal.

Ito ang ikalawang karera ni Buenavista sa 26th edisyon ng SEA Games at may senyales na hindi ka­kayanin na maidepensa ang titulo nang umayaw ito sa nilahukang 10,000-meter run noong Nobyembre 13.

“Medyo kinapos tayo,” sam­­bit ni Bue­navista.

Mas maganda pa ang iti­­nakbo ng bagito na si Eric Pa­nique na nagsumite ng 2:28:26 para sa silver m­edal.

“Talagang mahirap tu­mak­bo kapag ganoon kainit,” wika ni Panique. “Ipinikit ko na lang ‘yung mata ko pa­ra hindi ko maramdaman ‘yung fatigue.”

Nabawi ni Yahuza Ya­huza ng host country ang titulong isinuko kay Bue­navista sa 2009 edisyon sa kan­yang oras na 2:27:45 para sa gintong medalya.

Ito ang ikalawang marathon gold ng Indonesian run­ner sa SEAG dahil si­ya rin ang tinanghal nakam­peon noong 2007 sa Thailand.

Mahinang pang apat na puwesto lamang ang tinapos ni Banayag sa 2:50.40 o mahigit na limang minuto ang layo sa 24-anyos ng Indonesian ‘Super Woman’ na si Triyaningsih na may 2:45.35 bilis.

Ito ang ikatlong ginto ni Triyaningshi sa SEAG matapos dominahin ang mga laban sa 10,000m run (34:52.74) at 5,000m run (16:06.37).

Sa kabuuan, nakapag-uwi lamang ang mga atleta ng PATAFA ng 2 gold, 9 silver at 5 bronze medals.

Sina female long jum­per Marestella Torres at 3,000m steeplechase runner Rene Herrera ang ma­tagumapay na nakapagdepensa ng kanilang t­itulo, habang sina Arniel Ferrera sa hammer throw, Danilo Fresnido at Josie Villarito sa javelin throw ay bigo na mapanatili ang kanilang mga ko­rona.

Humakot ang PATAFA ng 5 gold, 7 silver at 9 bron­ze medals sa Thailand SEA Ga­mes noong 2007.

Show comments