^

PSN Palaro

Cordova sumagwan ng Gintong Medalya

- BRMeraña -

WEST JAVA, Indone­sia-- Hindi sinayang ni Nes­tor Cordova ang pagkaka­taon na ibinigay sa kanya nang kunin ang ginto sa men’s lightweight singles sculls sa pagbubukas ng ro­wing kahapon sa Cipule La­ke sa Ekasi, West Java.

Todo-sagwan ang gi­nawa ng 34-anyos na tubong Murcia, Negros Oc­­ci­dental para tuluyang ma­kalamang sa kalagitnaan ng 2,000-meter race na hindi na niya binitiwan.

Naorasan si Cordova ng 7 minuto, 18.8 segundo na lamang ng mahigit tatlong se­gundo sa pumangalawang si Chaichana Thakum ng Thailand na may 7:21.6. Pumangatlo naman si Aung Ko Min ng Myanmar sa kanyang 7:25.3 tiyempo.

Labis-labis ang pasasa­la­mat ni Cordova kay Li­tuanian coach Rolandas Kaz­lauskas dahil siya ang pi­nalaro sa event laban kay Ben­jie Tolentino na kampe­on ng event mula 2003, 2005 at 2007 SEA Games.

Hindi idinaos ang rowing sa Laos noong 2009 SEAG.

 “Lahat ng paghihirap sa training at pagtuturo ni coach Kazlauskas ay nagbu­nga sa pa­nalong ito,” ani Cordova.

“This victory is huge for us and proved that I was not wrong in picking Nestor,” wi­­ka naman ni Kazlauskas.

Umani ng bronze medal ang tambalang nina Edgar Re­cana Ilas at Alvin Ampos­ta sa lightweight doubles sculls nang maorasan ng 6:49.5.

Sina Leam Kangnok at Ruthtanaphol Thepp ng Thailand ang nanalo sa 6:45.3, habang sina Ihram at Jamaludin ng Indonesia ang pumangalawa sa 6:48.2.

“This shows that Filipino ro­wers can still be compe­titive despite the meager re­sources the association has,” pahayag ng pangulo ng rowing association na si Ben­jie Ramos.

Magtatambal sina To­len­­­­tino at Jose Turingan sa men’s doubles scull at si­­na Cor­dova, Amposta, To­len­ti­no, Ilas at Turingan ang ma­­kakasama nina Dar­win Rod­­riguez, Nicanor Re­ga­lado, Roque Ablan at Ed­gar­do Mae­rina.

ALVIN AMPOS

AUNG KO MIN

CHAICHANA THAKUM

CIPULE LA

CORDOVA

EDGAR RE

ILAS

JOSE TURINGAN

KAZLAUSKAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with