^

PSN Palaro

Cordova sumagwan sa finals ng single sculls; Amposta at Ilas sumegunda sa kanilang heat

-

BEKASI, West Java, Ind­onesia – Magaang na na­nalo si Nestor Cordova sa kanyang heat upang makaabante sa finals ng men’s 2000-meter single sculls sa rowing competition ng 26th Southeast Asian Games dito sa Cipuli Lake kahapon.

 Kumarera sa lane 3, kaagad na umarangkada si Cordova sa isang three-man race kung saan siya nakalayo ng 100 metro laban kina Indonesian rower Anang Mulyana at Vietnam bet Luong Duoc Than.

Walang naitalang official time dahil sa pagbagsak ng operasyon sa ve­nue.

“Masarap ang pakiramdam,” sabi ng 34-anyos na tubong Murcia, Negros Occidental na humalili sa puwesto ni two-time SEA Games champion Benjie To­lentino.

Kasama ni Cordova na kumuha ng silver medal sa doubles sculls ng 2007 Thailand SEA Games si Al­vin Amposta.

Matapos magwagi sa heat, pupuwesto si Cordo­va sa finals bukas.

Sumegunda naman si­na Amposta at Edgar Ilas sa heat ng men’s 200-meter double sculls.

“Di ko na rin kinaya kasi na­hilo si Ilas sa last 250 meters,” sabi ni Amposta na tinapos ang kanilang heat ni Ilas sa oras na 7 mi­nuto at 20.05 segundo.

Ang Indonesian pair nina Jamaluddin at Irham ang nanguna sa heat sa kanilang tiyempong 7:09.22, habang puma­ngatlo naman ang Myanmar team nina Kyau Min Tun at Taan Aung (7:45.83).

 Sinabi ni coach Edgar Maerina na nakaranas si Ilas ng heat stroke na nag­resulta sa kanyang pag­kahilo habang nasa git­na ng laban.

 Lalahok ang Filipino duo sa repechage ngayong alas-3 ng hapon sa hanga­ring makapasok sa finals ng ka­nilang event.

“May pag-asa pa si Amposta at Ilas kasi isa ang ma­lalaglag out of the seven teams competing dito sa fi­nals,” wika ni Maerina.

Nakatakda ring sumabak sa kanilang heat sina Eda Jecksie Maerina, anak ni coach Maerina, at Johnalyn Pedrita sa women’s doubles sculls.

Sasagwan naman sina Tolentino at Jose Rodriguez sa men’s double sculls para sa pagdedepensa ng kanilang doubles sculls title na kanilang nakopo sa Thailand SEA Games no­ong 2007.

Kumpiyansa sina To­len­tino, kumampanya sa Olympic Games, at Rodriguez na makakaabante sila sa finals

AMPOSTA

ANANG MULYANA

ANG INDONESIAN

BENJIE TO

CIPULI LAKE

CORDOVA

EDA JECKSIE MAERINA

EDGAR ILAS

ILAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with