MANILA, Philippines - Ipinagbunyi ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang tagumpay ni Camille Manalo sa taekwondo event sa 26th SEA Games sa Indonesia.
Si Manalo ay nasa huling taon ng paglalaro sa UST at minsan na ring hinirang bilang kanilang Athlete of the Year noong nakaraang taon (73rd season).
Tinalo ni Manalo si Thanh Thao Nguyen ng Vietnam, 8-3, sa finals ng female under 62 kilograms para tulungan ang Pilipinas na nanalo ng apat na ginto sa pagbubukas ng aksyon na idinadaos sa Palembang, Jakarta at West Java, Indonesia.
Inaasahang masusundan pa ang pangingibabaw ng mga manlalaro ng UAAP dahil sina Greg Slaughter, Kiefer Ravena at Nico Salva ng Ateneo at Bobby Ray Parks, Jr. ng NU ang kasama sa men’s basketball team ni coach Norman Black na patok na mapanatili ang titulo sa Pilipinas.
Sina Marlon Avenido at Jose Anthony Soriano sa kalalakihan at Jyra Marie Lizardo at Leigh Ann Nuguid ng La Salle at Karla Jane Alava ng FEU.