^

PSN Palaro

UAAP ipinagmalaki si Manalo

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ipinagbunyi ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang tagumpay ni Camille Manalo sa taekwondo event sa 26th SEA Games sa Indonesia.

Si Manalo ay nasa huling taon ng paglalaro sa UST at minsan na ring hinirang bilang kanilang Athlete of the Year noong nakaraang taon (73rd season).

Tinalo ni Manalo si Thanh Thao Nguyen ng Vietnam, 8-3, sa finals ng female under 62 kilograms para tul­ungan ang Pilipinas na nanalo ng apat na ginto sa pag­bubukas ng aksyon na idinadaos sa Palembang, Jakarta at West Java, Indonesia.

Inaasahang masusundan pa ang pangingibabaw ng mga manlalaro ng UAAP dahil sina Greg Slaughter, Kie­fer Ravena at Nico Salva ng Ateneo at Bobby Ray Parks, Jr. ng NU ang kasama sa men’s basketball team ni coach Norman Black na patok na mapanatili ang titulo sa Pilipinas.

Sina Marlon Avenido at Jose Anthony Soriano sa ka­lalakihan at Jyra Marie Lizardo at Leigh Ann Nuguid ng La Salle at Karla Jane Alava ng FEU.  

ATHLETE OF THE YEAR

BOBBY RAY PARKS

CAMILLE MANALO

GREG SLAUGHTER

JOSE ANTHONY SORIANO

JYRA MARIE LIZARDO

KARLA JANE ALAVA

LA SALLE

LEIGH ANN NUGUID

NICO SALVA

NORMAN BLACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with