Filipino chess players inaasahang magwawagi laban sa Myanmar sa pagsisimula ng event
PALEMBANG --- Bubuksan ng Team Philippines ang kanilang kampanya sa chess event ng 26th Southeast Asian Games sa pakikipagtuos sa Myanmar.
Pinapaboran ang mga Filipino chessers kontra sa Myanmar sa mixed pair chess competition.
Sina Grand Master Oliver Barbosa (2571) at WIM Catherine Perena (2083) ang babandera sa bansa laban kina FM Zaw Oo (2274) at May Hsu Lwin (2112).
Tatlo hanggang apat na gintong medalya ang ipinangako ng chess federation na kanilang isusulong sa 2011 SEA Games.
Tampok naman si top rated player GM Wesley So (2659) sa individual standard at blitz competition kasama sina Barbosa at GM Mark Paragua.
Lalaro naman sa women’s event sina two-time national women's open champion WNM Rulp Ylem Jose, WIM Beverly Mendoza, WNM Jedara Docena at WFM Cherry Ann Mejia.
- Latest
- Trending