Pinay athletes nagningning sa 26TH Sea games

PALEMBANG, Indonesia --- Na­mayani ang husay ng mga kababaihang atleta ng Pilipinas nang balikatin ni­­la ang tatlong ginto na si­­nungkit ng pambansang ko­­ponan sa pagbubukas ng aksyon sa 26th SEA Ga­­mes na hinati-hati sa tatlong magkakaibang lugar sa Indonesia.

Si MarestellaTorres ang lu­­mutang sa mga nanalo sa unang araw ng kompe­tisyon nang wasakin niya ang hawak na record sa wo­men’s long jump, habang ang mga naggagan­dahang sina Rani Ann Or­tega, Francesca Camille Ala­rilla at Maria Carla Ja­nice Lagman at si Camille Ma­nalo ay naghatid ng da­lawang ginto sa larangan ng taekwondo.

Lumundag sa 6.71 met­ro si Torres sa kanyang pa­ngatlong attempt na gi­na­wa sa Jakabaring Sports C­ity upang tabunan ang da­ting record na 6.68m na ginawa sa Laos SEA Ga­mes tungo sa pang apat na su­­nod na ginto sa nasabing re­­gional ga­mes.

Ang marka ay nagbigay din ng tiket sa 30-anyos tubong San Jose Negros Oc­ci­dental patungong London Olympics dahil ang 6.71m mar­ka ay lampas sa 6.65 me­ters Olympic qualifying B standard.

Ang 20-anyos na si Ka­therine Santos na bagito sa SEAG ay nagpakita ng senyales bilang posibleng kapalit ni Torres nang ku­nin ang bronze medal sa 6.25m lundag.

Dalawang bansa lamang ang nagtagisan sa wo­men’s poomsae event pe­ro de-kalidad ang mga ito dahil katunggali ng Pilipi­nas na siyang nagdedepen­sang kampeon, ang Vietnam na nanguna sa World Poomsae Championships.

Sa pagkakataong ito ay mas sistemado ang ipi­nakita ng lahok ng bansa pa­ra makakuha ang ginto ta­ngan ang 8.26 puntos ave­rage o .5 puntos kala­ma­ngan sa Vietnamese jins na sina Thi Le Kim Ngu­yen, Thi Thu Ngan Nguyen at Tuyet Van Chao.

Dalawang beses pina­tugtog ang pambansang awit sa POPKI Sports Zmall sa Cibubur dahil si Manalo ay nanalo sa ha­mon ni Nguyen Thanh Thao ng Vietnam, 8-3, sa fi­nals sa women’s lightweight division.

 Ang delegasyon ng ta­­ekwondo na nagbabalak na mag-uwi ng hindi bababa ng apat na ginto, ang pi­nakaproduktibong dele­gasyon dahil may isang pi­lak at bronze medal pa ang naipagkaloob sa men’s in­dividual at mixed pair sa po­omsae.

Ang 17-anyos na si Vi­dal Marvin Gabriel ang si­yang namuno sa dalawang medalyang ito dahil sila ni Shaneen Ched Sia ay nanalo ng pilak sa mixed pair habang bronze naman sa men’s individual ang nai­bulsa pa ni Gabriel na isang sil­ver medalist sa World Championship.

Si Joey Barba ang pu­medal ng unang medalya ng Pilipinas sa larangan ng mountain bi­ke, habang ang karateka na si OJ Delos Santos ay nag­bitbit ng bronze medal sa kata.

May 2:32.44 tiyempo si Barba sa 1.5-k downhill ra­ce na ginawa sa Gunung Pen­car sa Sentul City, West Ja­va at kinapos lamang ng halos isang segundo sa nanalo na si Pornomo Po­rnomo ng Indonesia na may 2:31.45.

Makulay na debut sa SEA Games ang ginawa ni De­los Santos nang talunin niya si Myint Zaw Oo ng Myan­mar sa repecharge pa­tu­ngo sa bronze medal sa men’s individual kata.

Tangan ang 3-2-4 me­dal tally, nalalagay ngayon ang Pilipinas sa pang li­mang pu­westo sa ka­rera na dinodo­mina ng host In­­donesia na mayroong 13 gin­­to, 10 pilak at 1 tansong me­­­dalya.

Pumapangalawa ang Singapore sa 4-4-6 bago si­nundan ng Vietnam sa 3-4-3 at Thailand sa 3-2-7.

Hindi naman sinuwer­te ang ibang inaasahan tu­lad nina Jayson Valdez at Emerito Concepcion nang tumapos lamang sa ika-11th at 12th puwesto sa 10-m air rifle event tangan ang 577 at 576 puntos, na ginawa sa shooting court sa Jakabaring Sports Com­­plex.

Si Nathaniel “Tac” Padilla na gold medalist sa La­os SEA Games sa ra­pid fire ay nabigo sa 25-m stan­dard pistol nang tumapos la­mang sa ika­anim na pu­wes­to sa 556 pun­tos.

Nalagay naman sa pa­­nganib ang hangaring mai­­depensa ang titulo sa men’s softball nang matalo ang Blu Boys sa host Indo­ne­sia, 4-2.

Binawi naman ito ng Blu Girls nang durugin ang Thailand, 10-1, sa women’s di­­vision.

Show comments