LAS VEGAS --- Sakaling talunin ni Manny Pacquiao si Juan Manuel Marquez ay posibleng matuloy na ang inaabangan nilang megafight ni Floyd Mayweather, Jr. sa 2012.
Ito ang siyang paniniwala ni Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions.
Nauna nang inihayag ni Mayweather, may perpektong 42-0-0 win-loss-draw ring record kasama ng 26 KOs, na gusto niyang labanan ang isang ‘little fella’ na ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions ay si Erik Morales.
Ngunit tiniyak ni Dela Hoya na si Pacquiao ang tinutukoy ni Mayweather at hindi si Morales.
"I believe if he gets past Marquez, Mayweather already has his date set for May 5 and he gave orders for the biggest fight out there. It is no secret that fight is Manny Pacquiao," wika pa ni Dela Hoya sa plano ni Mayweather.