INDONESIA --- Kabuuang 155 bilang ng athletes at coaches ang nakatakdang dumating dito ukol sa pagsisimula ng 26th Southeast Asian Games bukas.
Ang nasabing grupo ay pamumunuan ni flag-bearer Rey Saludar kasama ang 15 pang miyembro ng boxing team kasabay ang 30 sa athletics, 25 sa baseball at 11 sa tennis.
Nasa chartered flight rin ang mga atleta ng karatedo (13), badminton (11), archery (2), waterski (1), wrestling (12), petanque (10), bridge (9) at gymnastics (15).
Nauna nang dumating dito ang 65 bilang ng delegasyon na kinabibilangan ng mga taekwondo jins (27) at rowers (11).
“We should be looking at 70 gold medals and Top 3 overall,” ani Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia.
Bibiyahe bukas ang mga atleta ng traditional boat race (38), fencing (23), archery (10), golf (8), table tennis (8) cycling (3) at equestrian (1). Susunod sa Nobyembre 12 ang grupo ng basketball (34), bowling (18), golf (3), equestrian (1) at waterski (1).
Magtutungo ang 10 miyembro ng cycling team sa Nobyembre 13, habang ang futsal (31) at soft tennis (10) ay sa Nobyembre 14.
Aalis sa Nobyembre 15 ang cycling (5), judo (20), wushu (19) at soft tennis (2) kasunod ang gymnastics (6) at weightlifting (9) sa Nobyembre 16.