^

PSN Palaro

Si Amit na lang ang nalalabing Pinay

-

MANILA, Philippines - Bagamat naimintis ang bola sa 10th rack, natangay pa rin ni Rubilen Amit ang 8-4 panalo laban kay Japanese Keiko Yukawa patu­ngo sa quarterfinal round sa 2011 Yalin Women’s World 10-Ball Championship kahapon sa Robinson’s Galleria.

Susunod na makakaharap ng 29-anyos na si Amit sa quarrerfinals si Tsai Pei Chen ng Chinise-Taipei na umiskor ng 8-6 tagumpay kontra kay Dou Dou Zhou ng China.

Kinuha ni Amit, pina­ngu­nahan ang Group One mula sa pagkakaroon niya ng mas mataas na tiebreak sa isang three-way tie, ang 5-0, 6-1 at 7-2 abante bago nadiskaril sa 10th rack.

Sinamantala naman ito ni Yukawa, nagpatalsik kay defending champion Jasmin Ouschan ng Austria sa isang hill-hill 8-7 panalo sa round-of-32 para makalapit sa 4-7.

Subalit sa 12th rack ay bumalik sa kanyang porma si Amit, nakatakdang magtungo sa Palembang, Indonesia sa Martes para idepensa anmg kanyang mga eight-ball at nine-ball gold medals sa 26th Southeast Asian Games.

Tanging si Amit na lamang ang Pinay na nakapasok sa quarterfinals.

Ito ay matapos na ring masibak si Iris Ranola matapos makatikim ng 4-8 kabiguan kay Hui Shan Lai .

BALL CHAMPIONSHIP

DOU DOU ZHOU

GROUP ONE

HUI SHAN LAI

IRIS RANOLA

JAPANESE KEIKO YUKAWA

JASMIN OUSCHAN

RUBILEN AMIT

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TSAI PEI CHEN

YALIN WOMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with