^

PSN Palaro

Mga laban ng Azkals live sa Studio 23

-

MANILA, Philippines - Handa nang muling mamayagpag ang team Azkals, lalo’t ang U-23 team nito, na pawang 23 anyos ang mga miyembro, ay puspusan na din ang paghahanda para sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia. Swerte ang numerong “23” para sa mga taga-subaybay ng Azkals dahil Studio 23 lang ang bukod-tanging carrier ng SEA Games na mag-eere ng live ng mga laban ng Azkals.

Matapos ang maaksyong pakikipagbakbakan sa Vietnam, haharapin naman ng Azkals ang pinakabatang miyembro ng SEAG--ang Timor Leste sa Nobyembre 7, Lunes alas-4:30 ng hapon

Sa tagpong ito, malaki ang pagkakataon ng Azkals na masungkit ang tagumpay, lalo’t kailanman ay hindi pa nanalo ang Timor Leste sa anumang laban sa labas ng kanilang bansa, simula nang lumahok ito sa AFC Cup noong 2004. Tinangka din ng Timor Leste na lumahok sa ASEAN Football Federation Championship bilang imbitadong miyembro, ngunit nangulelat din ito--patunay lang na marami pa silang kailangan patunayan.

AZKALS

DIN

FOOTBALL FEDERATION CHAMPIONSHIP

HANDA

MATAPOS

NOBYEMBRE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SWERTE

TIMOR LESTE

TINANGKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with