Amit pasok sa Last 16

MANILA, Philippines - Matapos makatabla sa 1-1 ay hindi na nilingon pa ni Rubilen Amit ang nag­dedepensang si Jasmin Ouschan ng Austria patungo sa kanyang 6-2 tagumpay upang mamuno sa Group 1 papasok sa Last 16 ng 2011 Yalin World Women’s 10-Ball Cham­pionship kahapon sa Ro­binson’s Galleria sa Ortigas.

Tumumbok ang accounting graduate ng University of Santo Tomas ng 4-1 win-loss card sa single round eliminations sa Group 1 na binubuo ng anim na manlalaro kasama si Ouschan.

Nauna nang tinalo ng Cebuana cue master sina Natalya Seroshtan ng Russia, 6-2, S. M. Liu ng China, 6-4, at J. Wu of Chinese-Taipei, 6-4, bago biguin si Ouschan sa Last 24.

Ang tanging kabiguan ng 29-anyos na si Amit ay sa 3-6 pagyukod kay Monica Webb ng USA noong Huwebes.

Show comments