^

PSN Palaro

2 Baguio jins, 4 pa kuminang sa MVP tilt

-

MANILA, Philippines - Dalawang batang jins mula sa Baguio at tig-isa na­man mula sa Olympia, Region 1, FEU at San Se­bastian ang tinanghal na best players sa nakaraang Smart MVP Best of the Best taekwondo cham­pionships sa San Miguel by the Bay, Music Hall, Mall of Asia.

Bitbit ang kulay ng Baguio Defenders, nangi­babaw sina Christian Dugtungan at Tristan Cayago sa Group 5 grade school event at sa junior men fin­weight class, ayon sa pagkakasunod.

Hiniya ni Dugtungan si Vincent Guirao ng Region sa finals, habang ginapi ni Cayago si Ralph Luteria ng Olympia para sa gold.

Ang iba pang top perfor­mers sa naturang torneo na suportado ng Smart Communications, Inc., MVP Sports Foundation at PLDT ay sina Alexa Rabino ng Olympia (grade school girls), Region 1’s Thelma Caoile (bantam, junior wo­men), FEU’s Romelle Roa (feather, senior men) at San Sebastian’s Justine Magdamit (fin, senior women).

Tinalo ni Magdamit si Patricia Sembrano ng Baguio defenders, sinilat ni Roa ang teammate na si Jude Solis, winalis ni Caoile si D’Cub’s Zia Baluyot at dinomina ni Rabino si Aitana Fias-Ilon ng Baguio Defenders sa group 3.

Umagaw rin ng eksena ang senior men’s bet ng San Beda matapos magsubi ng 4 na gold--mula kina fin Eric Bunda, bantam Kevin Ngitngit, light Alvince Cuvinar at welter Alvince Servito.

AITANA FIAS-ILON

ALEXA RABINO

ALVINCE CUVINAR

ALVINCE SERVITO

BAGUIO DEFENDERS

BEST OF THE BEST

CHRISTIAN DUGTUNGAN

ERIC BUNDA

JUDE SOLIS

JUSTINE MAGDAMIT

KEVIN NGITNGIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with