Jeson, Reyes sibak na sa F4 Futures

MANILA, Philippines - Natapos ang laban ni Jeson Patrombon sa Thailand F4 Futures nang lasapin ang 6-4, 6-4, kabiguan kay fourth seed Laurent Rochette ng France nitong Miyerkules sa Phuket, Thailand.

Hindi napangalagaan ni Patrombon ang kalama-ngan na hinawakan sa laban upang makabangon si Rochette sa second round match ng torneo.

Na-break ni Rochette si Patrombon sa 9th game upang tuluyang madomina ang first set bago nakitaan ang Filipino netter na makahulagpos ang 3-0 kalama-ngan sa second set upang tuluyang mamaalam sa torneo.

Bigo man ay mas maganda naman ang resultang ito kumpara sa 2-6, 3-6, pagkatalo ni Patrombon kay Rochette nang unang naglaban sa Laos noong naka-raang linggo.

“Unlike last week, today’s match was very tight with every game going to deuce. Unfortunately, the coming games were so close that it was just the breaks of the game the decided this match,” wika ni coach Manny Tecson.

Ang isa pang manlalaro ng bansa na si Fil-Italian Marc Reyes ay namaalam na rin nang matalo kay Gahhar Rohan ng India, 6-2, 6-2, sa isa pang laro.

Tapos na rin ang laban nina Patrombon at Reyes sa doubles laban sa third seeds na sina Weerapat Doakmaiklee at Kittiphong Wachiramanowong ng Thailand, 2-6, 2-6.

Bigo man ay masaya naman si Tecson dahil naipapakita nina Patrombon at Reyes na may talento silang harapin ang mga katunggaling mas mataas ang seeding upang magkaroon ng hinaharap sa men’s circuit.

Show comments