^

PSN Palaro

Romero magbi-bid para sa 2011 Olympic Youth Shooting Camp

-

MANILA, Philippines - Ipinaalam ng Philippine National Shooting As­­sociation (PNSA) ang kanilang paghahangad na sa bansa isagawa ang Youth Olympic Shooting Camp sa 2012.

Sa pagdalo ni PNSA president Mikee Romero sa Asian Shooting Confederation kamakailan ka­sama si executive director Larry Paredes, binanggit ng mga PNSA officials ang hangarin kay ASC President H.E. Sheik Salman Al Sabah ng Kuwait.

Inaasahang 43 bansa ang magpapadala ng ka­nilang mga shotgun shoo­ters sa Camp at mangu­nguna sa magsasalita ang mga dati at kasalukuyang Olympians para ibahagi ang kanilang mga karanasan at nalalaman.

“We need this kind of activity to promote the Phi­lippines as well as the sport of shotgun in the country and the whole of Asia,” ani Romero.

Idinagdag din nito na malaki ang maitutulong ng Camp para umunlad ang mga shotgun shooters ng bansa kaya umaasa si Ro­mero na mapapagbigyan ang kanyang kahilingan.

Maliban sa Pilipinas ay interesado rin ang Malaysia at Singapore para tumayong punong-abala sa Youth Camp.

Sinabi naman ni Paredes na hiniling din ng PNSA na maisagawa sa bansa ang International Jury Certi­fication Course Seminar para madagdagan ang mga Filipino referee and jury sa mga international stints.

ASIAN SHOOTING CONFEDERATION

COURSE SEMINAR

INTERNATIONAL JURY CERTI

LARRY PAREDES

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE NATIONAL SHOOTING AS

PRESIDENT H

SHEIK SALMAN AL SABAH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with