^

PSN Palaro

Pinsan nina Diaz at Colonia nagpasiklab

-

MANILA, Philippines - Mga kamag-anak ng mga pinagpipitaganang weightlifters ng bansa na sina Hidilyn Diaz at Nestor Colonia ang nagpasikat sa pagsisimula ng weightlifting sa Batang Pinoy Mindanao qualifying leg.

Sina Mayflor Diaz at Margarette Colonia na pa­wang mga edad 12-anyos ay nagsipanalo ng ginto sa tagisang ginawa sa Universidad de Zamboanga covered courts.

Si Mayflor na pinsan ni Diaz ay bumuhat ng 26 kgs sa snatch, 33 kgs sa clean and jerck para manalo ng ginto sa 36kg division sa girls weightlifting.  

Nagpapansin din si Co­lonia na anak ng 1988 Seoul Olympian Gregorio Colonia at pinsan ni Nestor nang kunin ang ginto sa girls 44-kg division sa 40kg snatch at 45 kgs sa clean and jerk.

Nagsipanalo rin sina Rossana Mendoza (40kgs), Patria Gregorio (48kgs) at Lyann Pineda (48kgs) upang makasama nina Diaz at Colonia sa National Finals sa Naga City.

Inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at suportado ng Milo, Jollibee, The British Council, Standard Insurance at Negros Navigation-Super Ferry, ang Zamboanga City ay nagdomina sa Greco Roman nang walisin ang pitong kategorya na ibinigay nina Junjun Fajardo (32 kg), Roderick Natividad (35 kg), Grel Enoc (38 kg), Sonny Boy Mandaj (42 kg), John Lloyd Gonzales (47kg), Clyde Madrazo (52 kg) at Christian Sanoh (59 kg).

Ang Davao Del Norte ay patuloy na umaarangkada sa athletics at sina Carlo Caong at Kimberly Da­n­gil ay nanalo ng kanilang ikalawang ginto sa discus throw sa 31.90m at 22.92m record.            

vuukle comment

ANG DAVAO DEL NORTE

BATANG PINOY MINDANAO

BRITISH COUNCIL

CARLO CAONG

CHRISTIAN SANOH

CLYDE MADRAZO

DIAZ

GRECO ROMAN

GREL ENOC

HIDILYN DIAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with