^

PSN Palaro

Red Lions kontra Stags sa Game 1 ng NCAA Finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Rambulan para sa ma­ha­lagang 1-0 lamang ang na­kataya sa San Beda at San Sebastian sa Game One ng 87th NCAA men’s bas­ketball championship se­ries ngayong hapon sa Ara­neta Coliseum.

Ito ang ikaapat na pag­ka­kataon na magkikita ang Red Lions at Stags sa ta­ong ito para sa pang alas-4 ng hapong laro.

Bago ito ay magtutuos mu­na ang San Beda Red Cubs at CSB-La Salle Gre­enies sa ganap na alas-2 ng hapon para sa juniors title.

Naniniwala si SSC-R rookie coach Topex Robin­son na napaganda ang pag­papahirap na inabot nila sa kamay ng Letran na kanilang tinalo sa Game 2 sa Final Four, 63-56.

“That victory showed that we are capable of pla­ying big games when our backs is against the wall,” wika ni Robinson na babangga kay champion coach Frankie Lim.

Hanap naman ni Lim ang ikaapat na titulo at pa­ngalawang sunod laban sa Stags na kanyang tinalo no­ong nakaraang taon tu­ngo sa 18-0 sweep.

“I think we are the underdogs in this series. They are number one since the start of the tournament and we just caught up with them,” wika ni Lim.

Wala sa tropa si import Sudan Daniel na siyang su­si sa dominanteng laro ng San Beda na aasa kina Kyle Pascual, Jake Pascual at David Marcelo.

Walang duda na kina Calvin Abueva, Ian Sangalang at Ronald Pascual aasa ang Baste pero hindi malayong may bench pla­yers na lumabas sa Finals.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

DAVID MARCELO

FINAL FOUR

FRANKIE LIM

GAME ONE

IAN SANGALANG

JAKE PASCUAL

KYLE PASCUAL

SAN BEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with